Mga batas tungkol sa paglipat ng sponsor sa Saudi
Transfer of sponsorship / Pag lipat ng sponsor
Paano lumipat sa ibang kumpanya sa Saudi Arabia?
Maari lamang lumipat ng ibang kumpanya ang isang ofw kung tapos na ang kontrata at may permiso mula sa kasalukuyan na sponsor. O kung ang iqama (residence permit) at roksat amal (work permit) ay expired maari ng lumipat ng walang abiso/permiso mula sa kasalukuyan na sponsor.
Itong gabay na ito ay para lang sa mga nagtatrabaho sa pribadong kumpanya at lilipat sa pribadong kumpanya.
Ang isang ofw na nagtatrabaho sa bahay ay maari lamang lumipat sa ibang bahay kung may permiso galing sa kanilang amo. At hindi maari na lumipat sa pribadong kumpanya. Ngunit, ang isang nagtatrabaho sa kumpanya at nais lumipat sa bahay ay pinahihintulutan.
Ito ang paraan upang makalipat ng sponsor:
(Lahat ng request ay online na at wala na tayong dapat gawin ngunit ang ibang kumpanya ay nahingi padin ng sulat, kung mangyari na humingi ng sulat ang bagong kumpanya, ipaalam lang natin sa ating kasalukuyan na kumpanya; sa pagkakataon na ito lamang tayo may kailangan gawin.
Lahat ng processo ay responsibiladad ng bagong kumpanya.)
Step 1: Ang bagong kumpanya ay mag rerequest ng transfer online. (Ministry of Labor)
Step 2: Kailangan i-approve ito ng kasalukuyan na kumpanya.
Step 3: Matapos iapprove ng kasalukuyan na kumpanya, maari ng bayaran ng bagong kumpanya ang fees.
Step 4: Matapos mabayaran ang mga fees. Maari ng dalhin ng bagong kumpanya ang mga dokumento sa jawazat upang maiupdate.
Ganon lamang kasimple ngunit may pagkakataon na ang request ay maaring ma-reject ang ilan sa mga dahilan ay may ibang kumpanya na na naunang nag request, hindi tugma ang profession, o kaya naman naexpire ang request at hindi nabayaran.
Kaya mabuti padin na ifollow up natin palagi ang process ng ating transfer.
Paalala:
Siguraduhin na nabasa at alam natin ang kumpletong detalye ng ating trabaho.
Siguraduhin kung sino ang magbabayad ng transfer fee. Ang unang transfer ay karaniwan na sinasagot ng kumpanya, ang iba ay hinahati ang pagbabayad.
Transfer fee:
Unang beses: 2000 SAR
Pangalawang beses: 4000 SAR
Pangatlo at mga susunod: 6000 SAR
Work permit fee:
2017: 200 SAR per month = 2,400 SAR per year
2018: 300 SAR per month = 3,600 SAR per year
2019: 400 SAR per month = 4,800 SAR per year
2020: 600 SAR per month = 7,200 SAR per year
Ang pag kwenta sa working permit fee ay depende sa lalabas na petsa sa inirequest na work permit.
Iqama expired penalty fee:
500 SAR
Paano icancel ang maling transfer request?
Meron lamang 3 buwan palugit ang request upang ma-iaccept.
Ang transfer request ay valid lang ng 1 buwan matapos i-approve.
Ang transfer request ay minsan valid ng 1 buwan o minsan 3 buwan. Pagkalipas ng petsa ng expiry ng request ito ay automatic na mawawala sa sistem ng ministry of labor at maari na muling mag-request ng transfer ang bagong kumpanya.
Kung kinakailangan mag transfer agad at gustong mag pacancel ng request, kailangan magpunta ng representative ng kumpanya na nagrequest ng transfer sa ministry of labor.
Paano mag transfer sa dependent mula sa kumpanya?
Nais mo bang lumipat sa sponsorship ng asawa, tatay, kapatid, o anak mo?
Maari lamang lumipat sa sponsorship ng tatay kung wala tayong asawa (para sa babae na 25 edad pataas kailangan iprovide ang cenomar),
Maari lamang lumipat sa sponsorship ng anak o kapatid kung ang asawa natin ay pumanaw na o kaya naman divorce (kailangan iprovide ang death o divorce certificate)
(((Itong impormasyon ay galing jawazat sa mga nakakalusot sa processo. congrats!)))
Shempre ito ay maari lamang kung may permiso galing sa sponsor.
Step 1: Ibigay ang sulat na galing sa magiging dependent sponsor sa kasalukuyan na sponsor.
Ang sulat ay dapat nakaaddress sa kasalukuyan na sponsor, at nakasulat na walang problema ang magiging dependent sponsor na kunin ang sponsorship mo.
Step 2: Magbibigay naman ang kasalukuyan na sponsor ng sulat na nirerelease ka nila. Ito ay dapat may stamp mula sa Chamber of Commerce.
Sila na ang bahala magpatatak, maaring singilin ka ng 35 SR para sa stamp.
Step 3: Kolektahin lahat ng dokumento:
Both original passport
Both original iqama
Marriage certificate kung sa asawa*
Death o divorce kung sa anak o kapatid*
Sulat galing sa kumpanya
Sulat galing sa kumpanya ng dependet (iaddress naman sa jawazat)
Transfer form (sa jawazat na kukunin)
at iphotocopy lahat dahil ito ang kukunin nila ang original copies ay titingnan lamang.
Step 4: Bayaran ang transfer request. Hindi pa babayadan ang tax kung hindi pa expire ang iqama.
Step 5: Magpunta sa jawazat. 1st floor, transfer of sponsorship section, kumuha ng number at hintayin tawagin. Matapos tawagin, ipasa lahat ng dokumento, at ilang sandali ay maipprocess na ang transfer,
Sana po ay nakatulong ang munting gabay ng maginriyadh.blogspot.com , comment lang po para sa mga dagdag na katanungan at follow para sa mga update.
Shukran po sa pagbabasa.
Hi..sir paano po kung ayaw magbigay ng current employer ko. Ng release paper o ayaw ako payagin kahit last 2020 pa natapos ang contract ko. Continuing lang po ginagwa sa akin pero wlang new contract at wala din pinirmahan. Ano po maadvise nyo. Maraming salamat po.
ReplyDelete