Paalala sa mga kasambahay na gusto mag abroad sa Saudi Arabia
![]() |
Photo: Arabnews |
1. Nag abroad para mag trabaho, hindi upang mamasyal
Hindi gaya sa Pilipinas malaya tayong gawin ang gusto natin o malaya tayong pumunta sa lugar na ating gustong puntahan. Ang mga kasambahay sa Saudi Arabia ay hindi maaring lumabas ng bahay maliban nalang kung isama ng Amo sa labas gaya ng mall, restaurant o park, maari din naman makalabas kung pahintulutan sila, may pagkakataon na pinapayagan ng amo na lumabas ang kasambahay kung ito ay may pamilya o asawa.
2. Ayusin ang pananamit
Siguraduhin na maayos ang pananamit habang nagtatrabaho, kung bigyan ng uniform, siguraduhin na hindi kita ang mga braso o binti. Iwasan din magpakita sa amo ng buhok at iwasan magpaganda lalo na sa among lalaki.
May mga amo na open-minded at walang kaso sa kanila ito pero mas mainam padin na maging simple at decente upang makaiwas sa problema.
3. Mala mansion ang mga bahay sa Saudi
Halos lahat ng mga bahay sa Saudi ay mala-mansion, kaya wag mag reklamo kung masyadong malaki ang bahay. Ang malalaking bahay sa Pilipinas ay katumbas na malilit na bahay sa Saudi. Dahil sa cultura na hiwalay ang babae sa sa lalaki, dalawa o mas higpit pa ang mga sala ng bahay sa Saudi.
May pagkakataon na nakalagay sa kontrata ay apat na myembro lang ang pamilya, pero maari padin na malaki ang kanilang bahay.
4. Wag urong sulong
Dapat ay buong ang loob at desido mag-abroad, dahil hindi biro ang mag abroad, malayo sa pamilya, linis-tulog-kain lang ang maaring maging buhay ng isang kasambahay. Dagdag pa ang homesick. Hindi naman mabilis makabalik sa Pilipinas pag nag bago ang isip kaya pag isipan mabuti bago mag abroad.
5. Iba ang cultura sa Saudi
Walang pasko, valentines, undas at bagong taon sa Saudi. Kaya walang mga selebrasyon sa araw na ito. Hiwalay din ang mga babae sa lalaki. Walang baboy at alak. Sa ngayon, naging mas bukas na sa Saudi, maari ng magmaneho ang mga babae, hindi na hiwalay ang mga kainan, maari narin walang abaya basta nakasuot ng decente. Ganun pa man mas mabuti padin na irespeto ang mga nakasanayan na cultura.
6. Maging wais
Wag hayaan na lumabag sa kontrata ang amo. Maging matalino at wag mag paloko sa amo. Ang nakasaad lamang sa kontrata ang dapat nasusunod lalo na sa bilang ng ora ng trabaho ,kung pilitin ng amo sabihin na kailangan ipahinga ang katawan, wag matakot na ipaglaban ang karapatan. Wag pumayag na ipahiram sa mga kamag anak o kaibigan o maglinis ng ibang bahay. Tandaan sabihin lamang ito ng mahinahon at banggitin ang “maktab amal” Ministry of Labor o kaya ang ating embahada, sa paraan na ito malalaman ng amo na may alam ang kasambahay sa mga batas.
7. Limang oras ang agwat mula sa oras ng Pilipinas
Magka iba ang oras sa Pilipinas at Saudi, kaya maari din mahirapan makipag-usap sa pamilya. Kung sa Pilipinas ay 10 am sa Saudi naman ay 5 am palang.
8. Ramadan
Buwan ng pag aayuno, sa buwan na ito mas maraming trabaho at baliktad ang oras ng mga kasambahay. Dahil sa pag aayuno, sa pag lubog ng araw pa ang simula ng pagkain at madaling araw na natutulog ang mga amo. Asahan na maraming bisita araw araw sa buwan na ito, dahil nakasanayan na kumain sabay sabay kaya ang mga kaibigan at pamilya ay naiimbitahan.
9. Kasama sa trabaho
Ito ang madalas din maging problema ng mga kasambahay. Possible na ibang lahi ang maging kasama sa trabaho, kaya possible din mangyari ang inggitan at di pagkakasundo kaya nagkakasakitan. Matutong makisama at wag maging mayabang para hindi pag mulan ng inggit. Mas mainam na makipag kaibigan sa mga kasama sa trabaho, mas gagaan pa ang trabaho.
10. Pagsubok ng amo
Susubukin ng amo ang ugali ng isang kasambahay, halimbawa sasadyain ng amo na magiwan ng pera o alahas, ang pinakamabuting gawin ay pabayaan ito sa parehas na lugar wag magpasilaw sa kung ano man salapi dahil hindi rin masasabi ang magiging kapalit nito.
Comments
Post a Comment