Paano labanan ang homesick?


Homesick ang isa sa mga mahirap na kalaban sa tuwing nag aabroad. Ito rin ang madalas na dahilan ng pag-balik sa Pilipinas ng mga ofw. Natural lang naman ito, shempre nakakamiss talaga ang nkasanayan na buhay sa Pilipinas. Nakakamiss ang pamilya, nakakamiss ang simoy ng hangin, nakakamiss ang mga pagkaing pilipino. Ganon pa man kailangan maging malakas at maiwasan mahomesick. Ito ang ilan sa mga paraan upang makaiwas sa homesick.

1. Mag focus sa trabaho

Ilaan ang buong atensyon sa trabaho, sa ganitong paraan makakalimot sa kalungkutan at makakabuti rin ito para maka gawa ng maayos sa trabaho, malay mo makabonus kapa dahil naka-focus ka sa trabaho.

2. Maglibang libang

Kung day off man at kung nakakalabas, pumasyal pasyal pero iwasan gumastos masyado baka naman wala ng maipon, pwede naman mag window shopping lang, magpicture picture rin para hindi malungkot.

3. Wag masyado magbilang ng araw

Marami sa mga ofw ay may kalendaryong minamarkahan ng X ang bawat araw. Kung araw araw ka magbibilang ng araw mas lalo lang tatagal ang paghihintay mo bago mo makasama ulit ang mahal mo sa buhay. Mas mainam pa na wag pansinin ang petsa, tuloy lang ang kayod. Mas mabilis pa ang usad ng araw kung hindi nagbibilang.


4. Video call

Malapit na ang 2020, sino pa ba ang hindi nauusuhan ng video call diba? Ito ang pinaka effective sa lahat. Ivideo call ang pamilya sa ating free time shempre at iwasan din na maya't maya baka naman mawalan na ng trabaho.



5. Wag magpadala sa emosyon

Maging matibay at malakas ang loob, mahirap magpadala sa emosyon. Lagi lang ilagay sa isip kung bakit nag abroad. At imbes na malungkot, gawing inspirasyon ang pamilya para ganahan kumayod.

6. Magdasal

Para gumaan ang kalooban, wag kalimutan magdasal at ipagdasal ang mga mahal sa buhay.

Comments

Popular Posts